top of page
Writer's pictureICOC Cavite

Joy To The World (1719)

By Norberto Aquino III

Day. 12. December 25, 2021


Mga Basahin: Awit 98

Panimula.

Ang Awit 98 ay angkop na tingnan para sa Pasko dahil ang awit na ito ang naging batayan ng awit na “Joy to the world” (Basahin ang Awit 98:1-9)

Ang awitin na ito ay isang malaking bahagi ng pagdiriwang ng Pasko sa karamihan ng mga tao. Inaawit natin sa ating lugar ng sambahan; pinatutugtog natin sila sa ating mga tahanan; pinakikinggan natin sa radyo; naririnig natin sa mga shopping mall kapag tayo ay namimili.

Ang “Joy to the World” ay paboritong awitin ng marami at isa sa pinakakilalng awiting pang Pasko. Ito ay isinulat ni Isaac Watts, itinuturing bilang isa sa mga pinakamahusay na manunulat ng himno sa kasaysayan. Madalas na isinulat ni Watts ang mga paraphrase ng Mga Awit para sa kanyang mga himno, at ang “Joy to the World” ay naging inspirasyon ng kanyang pag-aaral ng Psalm 98, lalo na sa verse 4 na nagbabasa:

“Sambitin sa kagalakan sa Panginoon, buong lupa, sumambulat sa masayang awit na may musika.” (Awit 98:4)


Joy to the World:


1. “Joy to the world, the Lord is come!” – Psalm 98:4-6; Luke 2:7


Joy to the world! The Lord is come.

Let earth receive her King.

Let every heart prepare Him room,

And heaven and nature sing.


Ang unang talata, na siya ring pinakakilalang talata, ay batay sa verse 4 ng Awit 98 kung saan sinabihan tayong magalak sa Diyos bilang Hari ng buong mundo.

Dito sa kanta, ang buong mundo ay hinihikayat na magalak na si Kristo ay dumating at upang tanggapin siya bilang kanilang Hari. Ang linyang “Hayaan ang bawat puso na maghanda sa Kanya ng silid” ay maaaring isang pagtukoy sa Lucas 2:7: “Ibinalot niya siya ng mga tela at inilagay siya sa isang sabsaban, sapagkat walang lugar para sa kanila sa bahay-tuluyan.” (Lucas 2:7)


2. “Joy to the world, the Savior reigns!”– Psalm 98:7-8; Luke 2:11


Joy to the world! The Savior reigns.

Let men their songs employ.

While fields and floods, rocks, hills, and plains

Repeat the sounding joy.


· Ang talatang ito ay tumutugma sa Awit 98:7-8 kung saan ang lahat ng nilikha ay hinihiling na maki-isa sa awit – ang mga parang, baha, bato, burol at kapatagan. Sa first part tinawag si Kristo na "Diyos" at "Hari." Dito sa second part tinawag siyang “Savior” or "Tagapagligtas." Ito ay nauugnay sa Pasko sa pamamagitan ng pahayag ng anghel sa Lucas 2:11: “Isinilang ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas; siya ang Kristo na Panginoon.” (Lucas 2:11)

Bilang isang Alagad ni Hesus, kinikilala nating syang ating tagapagligtas. Rason kung bakit tayo dapat magalak.


3. “No more let sin and sorrow grow!” – Psalm 98:1-2; Genesis 3:17-19; Romans 8:21


No more let sin and sorrow grow,

Nor thorns infest the ground.

He comes to make His blessings flow

Far as the curse is found.

· Ito ay tumutugma sa unang dalawang talata ng Awit 98 na sinasabing ipinapa- alam ng Diyos ang kanyang kaligtasan sa lahat ng mga bansa. Hangga't ang sumpa ay matatagpuan, gayon din ang pagliligtas ng Diyos. Ito ay malalaman sa buong mundo.

Nang magkasala sina Adan at Eba sa Halamanan, isinumpa ng Diyos ang lahat ng nilikha. Mababasa natin sa Genesis 3 kung saan sinabi ng Diyos kay Adan: “Sumpain ang lupa dahil sa iyo … mamumunga ito ng mga tinik at dawag … dahil alabok ka at sa alabok ka babalik.” (Genesis 3:17-19)

Ngayong dumating na si Kristo, nabaliktad ang sumpa! At sa muling pagbabalik ni Kristo sa pangalawang pagkakataon ang sumpa ay aalisin. Wala nang mga tinik sa lupa, wala nang kasalanan, dalamhati, iyakan o sakit. Mababasa natin sa Roma 8:21: “Ang nilalang mismo ay palalayain mula sa pagkaalipin nito sa kabulukan at dadalhin sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.” (Roma 8:21)

· Kaya napakahalaga na ibahagi natin ang mabuting balita sa lahat ng mga bansa, simula dito sa Cavite. Nagkakaruon tayo ng kagalakan kapag may mga taong nag babagong buhay at nababautismuhan.


4. “He rules the world with truth and grace!” – Psalm 98:3,9; John 1:17


He rules the world with truth and grace

And makes the nations prove

The glories of His righteousness

And wonders of His love.

· Ang huling talatang ay tumutugma sa Awit 98:3 at 9, na nagsasabing "Nakita ng lahat ng mga dulo ng lupa ang pagliligtas ng ating Diyos" at na "Siya ay hahatulan ang sanlibutan sa katuwiran at ang mga tao nang may katarungan." Sa Bagong Tipan mababasa natin sa Juan 1:17: “Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises; ang biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.” (Juan 1:17)

· Hinahatulan ng Diyos ang mundo sa ganap na katotohanan at patas, gayunpaman, binibigyan din niya tayo ng habag at biyaya sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, na nagbayad ng buong kaparusahan para sa kasalanan, sa krus para sa mga naniniwala at susunod sa kanya bilang kanyang mga Alagad.

· Hayaan natin ang kanyang katotohanan at habag ay mag motivate sa atin para magalak ngayong kapaskuhan. Madami ang rason para tayo ay maging malungkot, ngunit ang Katotohanan na napa sa atin nang tayo ay mag-aral ng Bibliya at ang habag na ating tinanggap ay sapat na rason para tayo ay magalak.


Sa pagtatapos:

· Kagalakan sa mundo: Dahil ipinadala ng Diyos si Hesus sa mundo upang maging ating Tagapagligtas.

· Kagalakan sa mundo: Dahil si Jesus ay isang mabuti at matuwid na Hari sa buong lupa.

· Kagalakan sa mundo: Dahil si Jesus ay babalik bilang Hukom sa lahat ng mga bansa. Hahatulan niya ang lahat ng kasalanan at kasamaan. Aayusin niya ang lahat ng bagay.

· Kagalakan sa mundo: Dumating na ang Panginoon! Hayaang tanggapin ng lupa ang kanyang Hari!

Mga katanungan na maaring pagbulayan:

Ano ang ilan sa mga pagsubok, hamon, o trahedya gumambala sa iyung kagalakan nitong nakaraang taon?

Paano natin gagawing kagalakan ang ating karanasan sa mga pagsubok, hamon, at trahedya?

Paano tayo matutulungan ng paglilingkod kagaya ni Kristo na magkaruon ng kagalakan sa ating buhay?

Paano natin matutulungan ang isa't isa, kabilang ang ating mga pamilya, na magkaroon ng kagalakan?




1 view0 comments

Yorumlar


bottom of page